Thursday, December 8, 2011

Eating Like a Rabbit



Kuwento ni Ate Shawi, maski vegetarian daw si KC buffet ang kinakainan niya pero malinis naman ang kanyang plato pagkatapos. Parang kuneho lang.

[gallery orderby="rand"]
Kaya naman pagpunta ko sa Vegetarian Food Fair ng Mabuhay Temple sinimot ko rin ang aking plato.

 

Ang pagkain ng mga berdeng gulay gaya ng brocolli, spinach, malunggay, at iba pang madahon ay tumutulong sa pagpapalakas ng ating mga muscle. Kapag kulang tayo sa calcium ay maaring magdulot ito ng problema sa buto gaya ng osteoporosis, lalo na sa mga kabataan.

Kaya't ugaliing kumain ng mga gulay gaya ng brocolli, spinach, malunggay, at iba pang madahon at kulay berdeng gulay (green, leafy vegetables).

Isama din sa pagkain ang mga produktong soya gaya ng soya milk, taho, tofu, at iba pa. Uso ang mga sangkap na ito sa mga pagkaing makikita sa Mabuhay Temple Vegetarian Food Fair.

Nakatatlong plato ako nung linggo at parang gusto ko ng tumira doon.

Samantala, may mga pagkain naman na bagamat hindi mataas ang calcium sa natural na anyo, ay "fortified with calcium" o sinadyang lagyan ng calcium. Kasama dito ang mga cereals, orange juice, at iba pa.

 

Calcium supplements

Uminom ng mga tabletang may calcium na pandagdag sa calcium na galing sa ating pang araw-araw ng pagkain.

Ang mabuti ay tanungin ang inyong doktor kung kailangan mo ba ng calcium supplements, at humingi ng payo kung anong uri ng calcium supplement ang dapat bilhin.

Siguradong imumungkahi niya na kumain ka ng gulay.

 

1 comment:

Nicely said...

Naku, I can relate. Feeling ko kasi kambing na din ako. Garden Salad na lang din kasi madalas kong kainin. Favorite ko ngaun steamed brocolli and asparagus with toasted minced garlic. Thanks for sharing!

Many Benefits of Healthy Lifestyle

After many years of staying at home and starting to adopt the new normal, finally nakapag fun run and recreation ulit. And it's good to ...

Blog Archive