Friday, November 2, 2012

My Run United Philippine Marathon 42K Experience

Chiptime:  06:59:09

Guntime: 07:07:40

This is my first time to do a 42 Km Marathon. I decided to write my experience in Tagalog because I feel it this way. Hope you like it.

First time kong tumakbo ng 42K, madalas kasi 21K or 16K ang tinatakbo ko. Salamat sa Unilab Run United para sa experience na ito ganun na rin sa mga runners na nakasabay at nakilala ko sa daan. Allan, Jenny at Kit salamat sa mga oras na magkasabay tayo.

First time din ng Unilab na magkaroon ng isang full marathon event kaya naman sa kabila ng saya ng takbuhan ay may mga nagrereklamo din dahil sa kanilang hindi magandang na- experience.

Hindi ako makatulog noong gabi ng sabado, excited kasi ako kaya isip lang ako ng isip kung anong magyayari sa akin sa takbo. Kakayanin ko kaya? Hindi kaya ako mag cramps? Baka hindi ako umabot ah…ah basta bahala na si Lord bukas basta’t tatakbo ako. Ganyan ako mag- isip isang gabi bago ang takbo.

Ang aga naman ng simula! Alas tres? Eh himbing na himbing pa kaya ako nyan. Pero ganun talaga ang buhay kailangan magsimula ng maaga mahaba kasi ang ruta.

Pabor sa akin ang simula – Bonifacio High Street. Sa Fort Bonifacio lang kasi kami nakatira konting distansya lang mula sa starting line. Ang kaso wala palang byahe sa amin kapag alas tres. Wala akong choice kundi mag taxi, buti na lang may mabait na runner akong nasabayan. Sa 21K siya tatakbo kaya hindi na kami nagkita pagkatapos naming bumaba.

Sakto lang ang dating ko stretching pa lang. Kaso nauuhaw ako kaya bumili muna ako ng Gatorade sa 7 Eleven. Hindi ko namalayan ang bilis ng oras pagbalik ko sa starting line 5 minutes na nakatakbo ang 42K runners late nap ala ako. Ang dilim ng daanan bumilis tuloy ang takbo ko.

Nakita ko ang mga kalsadang dinadaanan ng mga sasakyan….nang araw na yon tinatakbuhan lang namin at nilalakaran. C5, Lawton Ave., Buendia Flyover, Ayala, Roxas Blvd., CCP papuntang Mall of Asia at marami pang iba.

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko pero medyo nag rerelax ako. Ayoko ko kasing

Para sa isang first timer na katulad ko maituturing na isang malaking achievement ang makatapos ng 42K na takbo. Isa ito sa pinakamalaking bagay na ginawa ko sa buhay ko. Ang medalyang natanggap ko sa takbong ito ay ang siyang pinakamalaking medalyang natanggap ko sa buong buhay ko. Sa laki ng medalyang ito halos pwede na akong kumain dito.

Masarap na mahirap. Masarap ang pakiramdam kapag tumatakbo para kasing ang lakas lakas ng katawan mo at syempre ang sarap ng pakiramdam pagkatapos….ang luwag luwag ng dibdib mo…ang sarap huminga. Mahirap din dahil kailanagan mong sanayin ang katawan mo sa mahabang takbuhan kaya kahit papano dapat may sapat na training bago tumakbo. Mahirap dahil mainit at nakakuhaw kaya dapat may baong sapat na tubig. Hirap at sarap, parte ito ng buhay pagtakbo.

Matagal man bago ko natapos ang takbong ito masaya naman ako nangyari. Ligtas ako at di ako nag cramps. Hindi ito ang huling beses na gagawin ko ang bagay na ito. Mas tutuklasin ko ang mundo ng pagtakbo.

Hinding hindi ko malilimutan ang karanasan kong ito. Mabuhay ang pinoy runners!

 

1 comment:

Eccentricyethappy said...

Great job, Carl! :) You did finished the 42k...it's a fulfilling dream of a runner who want to experience it.

Congrats!

Many Benefits of Healthy Lifestyle

After many years of staying at home and starting to adopt the new normal, finally nakapag fun run and recreation ulit. And it's good to ...

Blog Archive